3 PAGs ng kandidato todas
MANILA, Philippines - Tatlong armadong kalalakihan na pinaniniwalaang private armed groups ng mayoralty candidate ang napatay habang limang iba pa ang nasugatan makaraang makipagbarilan sa pulisya sa inilatag na Comelec checkpoint sa bayan ng R. T. Lim sa Zamboanga Sibugay kahapon ng madaling-araw.
Ayon sa pulisya, naunang nagpaputok ng baril ang mga armadong supporter ni mayoralty bet Roger Gomez ng Lakas-Kampi CMD kaya gumanti ang pulisya na nakabantay sa checkpoint.
Kasalukuyang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tatlong napaslang.
- Latest
- Trending