4 tiklo sa vote buying

BULACAN – Kalaboso ang binagsakan ng apat-katao makaraang arestuhin ng pulisya dahil sa pami­mili ng boto sa Barangay Bagbaguin, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Pormal na kakasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Kagawad Gregorio Altoveroz ng Barangay Bagbaguin; Jimmy Marquez, Arlino Macapinig at si Arnel Ramirez.

Nabatid na na­aktuhan ng pulisya ang mahabang pila ng mga tao na tumatanggap ng pera kapalit ng kanilang boto mula sa mga suspek. Nakumpiska ng mga tauhan ni P/Inspector Leopoldo Estorque ang P7,300 cash na nakasilid sa bag.

Show comments