Botante tinodas sa botohan

MASINLOC, ZAMBALES , Philippines  – Binaril at napatay ang isang botante ng kapwa botante makaraang magtalo kaugnay sa mga kandidato na kanilang iboboto sa polling place sa Felipe Estella Elementary School sa Barangay Baloganon sa bayan ng Masinloc, Zambales kahapon.

Batay sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Arturo Cacdac Jr. kinilala ang napaslang na si Ernesto Tapado, Jr., habang sumuko naman ang suspek si Tony Estella. Si Tapado ay sinasabing political leader ni Zambales Gov. Amor Deloso at mayoral candidate Arsenia Lim, samantalang ang supek ay kamag-anak ng isang incumbent mayor.

Lumilitaw na nakapila ang biktima sa polling precinct para bomoto nang lapitan ng suspek. Nabatid sa ilang saksi na nagkasigawan ang dalawa bago naganap ang krimen.

Show comments