Trader kumasa sa kawatan

BULACAN, Philippines — Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang negosyante makaraang makipagbarilan sa dala­wang kawatan na security guard na pumasok sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Loma De Gato sa bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang negosyanteng kumasa sa holdap na si Edgardo Gigante, 42, ng nabanggit na barangay habang naaresto naman ang isa sa dalawang suspek na si Eman Gante, 29, ng Marigold Subd., Brgy. Muzon, San Jose Del Monte City, Bulacan. Si Gante ay tinamaan ng bala sa kanang tuhod at ngayon ay ginagamot sa ospital.

Sa ulat ni P/Supt. Lailene Amparo, nakapasok ang mga suspek sa bahay ni Gigante subalit natunugan ng trader kaya nagmamadaling tinungo ang kanyang kuwarto para kunin ang baril. Dito na nakipagbarilan si Gigante sa mga suspek hanggang sa tamaan sa tuhod si Gante habang nakatakas naman ang kasamahan nito. 

Show comments