Comelec: Sanchez aprub sa substitution

BATANGAS, Philippines — Kinati­gan ng Commision on Elections ang substitution ni Sto. Tomas, Batangas Ma­yor Edna Sanchez, bi­yuda ni ex-Batangas Governor Arman­do San­chez, para tumakbo bilang go­bernador sa ilalim ng Na­cionalista Party nga­yong araw ng eleksyon.

Pinayagan din ng Co­melec ang pagpalit ni Re­nato Federico, bayaw ni Governor Sanchez, bilang kandidato ng partido sa pagka-mayor ng Sto. To­mas, Batangas.

Sa resolusyon ng Co­melec en banc na nilag­daan ng pitong commissioner noong Biyernes, the commission gave “due course” to the substitute certificate of candidacy of Mayor San­chez for “the vacancy that arose by reason of the death of Governor Sanchez.”

Inatasan kaagad si Comelec regional director Juanito Icaro at Law Department head para ipa­tupad ang nasabing re­solusyon.

“Alam kong nakangiti sya sa akin ngayon habang nakatingin mula sa langit, ipagpapatuloy namin ang sinimulang nyang laban. Magkakaroon ng pagpipi­lian ang mga Batangueño para sa magandang pama­malakad ng Batangas,” pahayag ni Sanchez.

Pumanaw si Governor Sanchez noong Abril 27 dahil sa massive brain stroke habang nanga­ngampanya sa Lipa City, Batangas.

Show comments