MANILA, Philippines - Limang pulis na sinasabing nagsasagawa ng security patrol operation para sa eleksyon bukas ang nasugatan makaraang mapagkamalan ng tropa ng militar na mga armadong New People’s Army sa naganap na misencounter sa Barangay Sinian, Baliangao, Misamis Occidental kahapon ng madaling-araw
Sa ulat ni P/Chief Supt. Conrado Laza, na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na abala ang mga tauhan ng 10th Regional Police Security Management Battalion sa pamumuno ni P/Inspector Allan de Castro nang makabarilan ang tropa ng Army’s 55th Infantry Battalion.
Sa kasagsagan ng bakbakan ay nasugatan ang limang pulis kabilang ang dalawang nasa kritikal na kondisyon kung saan isa sa mga sugatan ay si de Castro.
Huli na ng mabatid ng magkabilang panig na misencounter ang bakbakan kung saan patuloy ang imbestigasyon.
Kaugnay nito, dinala na sa Misamis Occidental police provincial office ang mga sundalong nakabarilan ng mga pulis upang isailalim sa paraffin test habang ang mga armas naman ay isasailalim sa ballistic test para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.