^

Probinsiya

5 pulis-RPSMB n-iratrat ng militar

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Limang pulis na sinasa­bing nagsasagawa ng security patrol operation para sa eleksyon bukas ang na­sugatan makaraang ma­pag­kamalan ng tropa ng militar na mga armadong New People’s Army sa naganap na misencounter sa Barangay Sinian, Ba­liangao, Misamis Occidental kahapon ng madaling-araw

Sa ulat ni P/Chief Supt. Conrado Laza, na naka­rating sa Camp Crame, lumilitaw na abala ang mga tauhan ng 10th Regional Police Security Ma­nagement Battalion sa pamumuno ni P/Inspector Allan de Castro nang ma­ka­barilan ang tropa ng Army’s 55th Infantry Bat­talion.

Sa kasagsagan ng bak­bakan ay nasugatan ang limang pulis kabilang ang dalawang nasa kritikal na kondisyon kung saan isa sa mga sugatan ay si de Castro.

Huli na ng mabatid ng magkabilang panig na mis­encounter ang bakba­kan kung saan patuloy ang imbestigasyon.

Kaugnay nito, dinala na sa Misamis Occidental police provincial office ang mga sundalong nakaba­rilan ng mga pulis upang isailalim sa paraffin test habang ang mga armas naman ay isasailalim sa ballistic test para sa pagsa­sampa ng kaukulang kaso.

BARANGAY SINIAN

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CONRADO LAZA

INFANTRY BAT

INSPECTOR ALLAN

MISAMIS OCCIDENTAL

NEW PEOPLE

REGIONAL POLICE SECURITY MA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with