Ex-convict balik-selda

HAGONOY, Bulacan, Philippines — Ba­lik sa kulungan ang isang dating preso makaraang ares­tuhin dahil sa panghoholdap at tangkang panggagahasa niya sa isang dalaga sa Ba­rangay Sto. Niño sa bayang ito kahapon.

Kinilala ni Bulacan Police Director P/Supt. Fernando Villa­nueva ang suspek na si Carlos Tamayo, 30, residente ng Barangay San Agustin, Ha­gonoy at dati nang nasangkot sa isang holdapan sa Paom­bong. Nauna rito, naglalakad ang 24-anyos na biktimang si Mar­riane Celso sa naturang lugar nang, sa paggawi niya sa isang madilim na lugar, big­lang sumulpot si Tamayo, tinutukan siya ng isang pata­lim at sa­pilitang kinuha ang kanyang bag na naglalaman ng mga mahahalagang ba­gay.

Napansin ni Tamayo na may itsura si Celso bigla niya itong niyakap saka pilit na hinubad ang damit ngunit hindi nawalan ng pag-asa ang biktima na biglang nagsi­sigaw.

Habang nakapatong ito ay agad namang tumayo ang sus­pek at muling ibinalik ang pan­talon ngunit bago ito tu­makas ay sinaksak muna ang biktima na sa kabutihang pa­lad ay hindi napuruhan. Na­muk­haan ng biktima ang sus­pek kaya natunton at nadakip ito ng pulisya.

Show comments