Mag-ama pinasabugan, niratrat

MANILA, Philippines - Isang mag-ama ang na­matay makaraang pa­sa­bugan ng granada at paula­nan ng bala ang tahanan ng mga ito sa Barangay Ma­bunga, Baungon, Bukidnon kamakalawa.

Kapwa dead-on-the-spot sa insidente ang mga bik­timang sina Rogelio Saycon Sr. at anak nitong si Rogelio Jr. matapos na matadtad ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Bukod dito ay nagtamo rin ng malubhang tama ng shrapnel mula sa sumabog na granada ang mag-ama.

Ayon sa pulisya, bigla na lamang sumulpot sa lugar ang mga suspek at hina­gisan ng granada ang bahay ng mga biktima.

 Hindi pa nakuntento ay pinaulanan rin ito ng bala na dagliang ikinasawi ng mag-ama. Isa sa mga suspect ay positibong itinuro ng mga testigo na si Dencio Lunda­han, kilalang notoryus na miyembro ng isang grupong kriminal sa kanilang bayan.

Lumilitaw naman sa pa­ngunang imbestigasyon na alitan sa lupa ang motibo ng insidente.

Show comments