Dahil sa text, binata itinumba ng manliligaw ni utol

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Isang 19 an­yos na binata ang ti­nodas ng isang manliligaw ng kan­yang kapatid na babae nang magtalo sila sa isang text message sa Barangay Vera, Viga, Catanduanes ka­ha­pon ng madaling-araw.

Nakilala ang biktima na hindi na umabot nang bu­hay sa Fatima Hospital na si Jommer Labasteda, bi­nata at residente ng natu­rang lugar.

Kasalukuyang pinagha­hanap ang suspek na si Jules Tarnate, aka Ako, 23, binata at residente rin ng nabanggit na lugar.

Nauna rito, nagkaroon ng pagtatalo sina Labasteda at Tarnate hinggil sa isang text message na ipinadala ng suspek sa kapatid na ba­bae ng biktima na hindi na­man nagustuhan nito.

Napag-alaman na ipina­kita kay Labasteda ng kan­yang kapatid ang text ng suspek.

Nagalit si Labasteda kaya kinompronta si Tarnate hanggang sa magtalo at magkainitan at saksakin ng huli ang una. Ed Casulla

Show comments