^

Probinsiya

Manager ng planta nilikida

-

BATANGAS, Philippines — Napaslang ang isang 48-anyos na opisyal ng Filipino-Korean manufacturing plant makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki habang papasok sa kanyang opisina kahapon ng umaga sa bayan ng Malvar, Batangas. Limang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Fortunato “Bong” Ortaleza ng Reaville Subd., Barangay 3, Tanauan City, Batangas at general manager ng Pilipinas Khyoritsu Inc. (PKI) sa Lipa City. Sa ulat ni P/Chief Inspector Edward Mallo, hepe ng Malvar PNP, lulan ng Nissan Sentra (ZAH-836) ang biktima nang ratratin ng motorcycle-riding gunmen pagsapit sa JP Laurel highway sa Barangay San Fernando bandang alas-7:45 ng umaga. Sa salaysay ng mga nakasaksi, lumilitaw na lumipat sa kulay puting kotse na walang plaka ang isa sa mga gunman bago sumibat patungo sa direksyon ng Lipa City. Inaalam pa rin ng pulisya ang motibo ng pamamaslang.

BARANGAY SAN FERNANDO

BATANGAS

CHIEF INSPECTOR EDWARD MALLO

FILIPINO-KOREAN

FORTUNATO

LIPA CITY

MALVAR

NISSAN SENTRA

PILIPINAS KHYORITSU INC

REAVILLE SUBD

TANAUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with