MANILA, Philippines - Dalawang armadong lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng holdap gang ang iniulat na napaslang matapos makipagbarilan sa dalawang pulis sa kahabaan ng national highway ng Barangay San Antonio, Biñan, Laguna kamakalawa ng gabi.
Lumilitaw na nagsasagawa ng ‘Oplan Sita‘ sina PO3 Crispin Antonio at PO2 Aidalla nang maispatan ang dalawang di-kilalang lalaki na sakay din ng motorsiklo.
Gayon pa man, tumangging magpa-inspeksyon ang dalawa kaugnay ng Comelec gun ban kung saan nauwi sa shootout.