Kumander ng peacekeeper silat sa ambus

MANILA, Philippines - Masuwerteng nakaligtas sa pananambang ng mga rebeldeng New People’s Army ang kumander ng AFP peacekeeper sa pani­ba­gong pagha­ha­sik ng lagim sa Barangay Gaid sa bayan ng Dimasa­lang, Masbate kaha­pon ng umaga.

Ayon kay Major Harold Ca­bunoc, spokesman ng Army’s 9th Infantry Division, naka­ligtas si Col. Lo­pe Da­goy, com­mander ng Army’s 85th Infantry Battalion (IB), dating AFP peacekeeping contingent sa Haiti na idi­neploy sa Mas­bate noong Abril sa pag­babalik ng mga ito sa bansa.

Lumilitaw na bumabag­tas ang KM 450 military truck na sinasakyan nina Da­goy nang ratratin at bi­nomba ng mga rebelde.

Sinabi ni Dagoy na ma­su­werte na lamang at su­mab­lay ang pagsabog ng bom­­ba sa pagdaraan ng ka­nilang sa­sakyan kung saan patungo sana sa Mas­bate City para dumalo sa pagsu­surender ng 20 armas ni La­kas-Kampi-CMD re­-elec­tionist Congressman Narci­so Bravo Jr.

Show comments