^

Probinsiya

Campaigner, aide ng mayoral bet itinumba

- Nina Cristina Timbang At Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Lalong nagiging brutal ang papalapit na May 10 elections kung saan isang security aide at isang campaign coordinator ng mayoral bet ang iniulat na na­paslang sa panibagong naganap na magkahiwalay na karahasan sa lalawigan ng Cavite at Cagayan ka­makalawa.

Si Gilberto Hayayhay, 46, ng Brgy. Daang Amaya, driver-security aide ni mayoralty candidate Simon Matro ng Lakas NUCD ay pinagbabaril sa bisinidad ng miting de avance sa Barangay Paradahan sa bayan ng Tanza, Cavite

Nabatid na bumili la­mang ng sigarilyo ang bik­tima sa ‘di-kalayuan sa cam­paign rally ng kanyang Ayon sa police report, tu­makas ang gunman lulan ng owner-type jeep na may plakang DTN 726.

Samantala, si Alfredo Gannaban, 47, na sinasa­bing campaign coordinator ni Cagayan mayoralty candidate Lauro Fausto ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga supporter ni incumbent Mayor William Mamba sa bisinidad ng Barangay Tanbubu sa ba­yan ng Tuao, Cagayan.

Naaresto naman ang mga suspek na sina Ar­mand Dilig, 39; Henry Ta­bangcura, 42; Rodrigo F Tangonan, 41; Joel Ranjo, 32; Rogelio Andam, 48; Romeo Aguirre, 53 at si Patricio Taguiam.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ng pulisya, lumili­taw na nagtungo ang bikti­ma sa nasabing lugar upang beripikahin ang ulat kaugnay sa panggugulo ng mga supporter ni Mayor Mamba kung saan ginulpe ang ilan nilang supporter.

Gayon pa man, pagda­ting sa nabanggit na lugar ay niratrat at napatay ang biktima kung saan nasabat naman ng pulisya at na­samsam ang apat na baril, apat na celpon at da­lawang yunit ng hand­held radio. Dagdag ulat ni Arnell Ozaeta

ALFREDO GANNABAN

ARNELL OZAETA

BARANGAY PARADAHAN

BARANGAY TANBUBU

CAVITE

DAANG AMAYA

HENRY TA

JOEL RANJO

LAURO FAUSTO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with