OFW dedo sa akyat-bahay

RIZAL, Philippines — Napaslang ang isang 58-anyos na overseas Filipino worker makaraang pagtulungang saksakin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki na nanloob sa tahanan ng una ka­hapon ng madaling-araw sa Kasiglahan Village, Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal.

Kinilala ang napatay na si An­tonio Ave­luna ng Block 3, Lot 9, Phase 1B sa na­banggit na baran­gay.

Sa ulat na natanggap ni P/Supt. Ruel Vacaro, pinanini­walaang natutulog ang biktima nang magising dahil sa ingay na likha ng mga kawatan. Dito na nanlaban ang biktima kaya naganap ang pamamaslang.

Show comments