2 pulis, 2 sekyu dinisarmahan ng NPA rebs
MANILA, Philippines - Dinisarmahan ng mga rebeldeng New People’s Army ang dalawang pulis at dalawang security guard makaraang salakayin ang minahan sa Sipalay City, Negros Occidental kamakalawa ng gabi.
Batay sa report ni P/Supt. Arnel Arpon na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-8 ng gabi nang salakayin ng mga rebelde ang G-Holdings Inc. sa Brgy. San Jose.
Walang nagawa ang security guard ng minahan matapos na disarmahan at igapos ng mga rebelde habang hinostage kung saan hinostage ang manager na si Roland Deguwas.
Unang rumesponde ang dalawang pulis na sina PO1 Manuel Camayado at PO2 Jose Rey Bringques kasama ang security guard na si Boy Gabayeron ngunit maging sila ay dinis-armahan din mga rebelde.
Kabilang sa natangay ng mga rebelde ay isang M16 Armalite rifle, isang M14 rifle, 10 shotgun, dalawang cal. 9mm pistol at isang .38 cal. revolver.
- Latest
- Trending