Konsehal dinukot sa lamay

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City - Isang konsehal ng barangay na sinasabing nakikipaglamay sa namayapang kaibigan ang dinukot ng mga armadong kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Barangay Punong sa bayan Casiguran, Sorsogon. Patuloy naman ang paghahanap ng pulisya katuwang ang mga kaanak ng biktimang si Leopoldo Las Pinas. Ayon sa ulat ng pulisya, naglalamay ang biktima sa kanyang namapayang kabigang si Calixto Haylar nang lapitan at kaladkarin ng mga armadong kalalakihan. Wala namang pumalag na saklolohan ang biktima sa takot na madamay. Namataan naman na dinala ang biktima pa­tungong Barangay Sta. Cruz.

Show comments