Mag-asawa niratrat, dedo

MANILA, Philippines - Napatay ang mag-asawa habang nasugatan naman ang dalawa nitong anak makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Ba­rangay San Miguel sa bayan ng Oas, Albay.

Kinilala ang mag-asawa na sina Ronald Marco Adonis, 31 at Ro­chele Tupasi, 32. Isinugod naman sa Jose­fina Duran Memorial Hospital sa Ligao City ang mga su­gatang anak na sina Roderic at Ronald Jr.

Sa inisyal na im­bestigasyon ng pulisya, bigla na lamang pumasok sa bahay ng mga bik­tima ang ilang armadong kalalakihan at isinagawa ang pa­mamaslang.

Show comments