MANILA, Philippines - Isang driver ng mayoral bet ang iniulat na napaslang makaraang magbarilan ang magkalabang kandidato ng magkrus sa bisinidad ng Barangy Cosili sa bayan ng Bangued, Abra noong Huwebes ng umaga.
Kinilala ang nasawi na si Mario Acena, driver ni mayoralty candidate Ryan Luna matapos mapuruhan ng bala ng baril mula sa kampo ng kalabang mayoralty bet Domino Valera, na sinasabing anak ng incumbent Mayor na si Dominic Valera.
Sa phone interview, sinabi ni Col. Essel Soriano, commander ng Army’s 503rd Brigade, naganap ang sagupaan dakong alas-9:30 ng umaga sa kahabaan highway ng nabanggit na barangay.
Ayon sa imbestigasyon, lumilitaw na masyadong malakas magpatugtog ng jingle na lulan ng truck ni Luna kaya naistorbo ang campaign rally ng kalabang grupo ng Valera. Dahil sa mainit na tensiyon sa pagitan ng mga Valera at Luna ay pinagbabaril ng grupo ng una ang truck ng huli kaya napuruhan naman si Acena.
Isa sa ilang lalawigan ang Abra ay idineklarang hotspots ng Comelec kaugnay ng gaganaping halalan sa Mayo 10.