MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga rebeldeng New People’s Army ang campaign rally ng partido ng administrasyon at tinangay ang walong armas ng mga security escort ng mga kandidato noong Miyerkules sa Sitio Cadlom sa Barangy Cabangahan sa bayan ng Tago, Surigao del Sur.
Lumilitaw sa ulat na nagdaraos ng political rally sina Rep. Philip Pichay, kapatid ni Lakas-Kampi-CMD spokesman Prospero Pichay at Tago Ma yor Hemenegildo Pimentel Jr. nang sumalakay ang mga rebelde na pinamumunuan ni Kumander Pu ma ng NPA Front Committee 30.
Dinisarmahan ang mga security escort nina Pichay at Pimentel saka tinangay ang M16 assault rifle ni SPO2 Ricky Bagnol, M16 Armalite rifle ni Joel Galolo, M16 rifle ni SPO2 Eliseo Bontor at cal. 45 ni P03 Emilio Ladaga.
Natangay rin ang apat na AK-47 rifles nina Rep. Pichay, Mayor Pimentel at Tago mayoral bet Henrich Pimentel.
Nagbanta pa ang mga rebelde na hindi titigil sa pananabotahe sa campaign rally ng partido kapag hindi magbayad ng permit-to-campaign (PTC) fees sa mga balwarteng teritoryo ng NPA.