LTO administrator itinumba
MANILA, Philippines - Napaslang ang isang opisyal ng Land Transportation Office sa Region 12 matapos na pagbabarilin ng ‘di-pa nakilalang lalaki sa parking lot ng nabanggit na opisina sa Koronadal City, South Cotabato kamakalawa.
Napuruhan sa kaliwang bahagi ng leeg si LTO chief Administrator Perfecto Raagas Jr., 62.
Sa ulat ni P/Senior Supt. Nilo Wong na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na papasok na sa opisina mula sa tahanan nito sa bayan ng Pikit, Cotabato nang lapitan at pagbabarilin.
Napag-alamang bago maganap ang krimen, dalawang ’di-pa kilalang lalaki ang namataang paikut-ikot sa parking lot ng LTO na animo’y may hinihintay.
Tinangka pang isugod sa ospital ang biktima subalit hindi na naisalba ang buhay.
Pinaniniwalaang hired killer na nasa likod ng krimen.
- Latest
- Trending