Drayber na nagdeliber ng balota ng Comelec, kinikilan ng pulis-TMG

LEGAZPI CITY, Philippines – Isang miyembro ng PNP Traffic Ma­nagement Group ang nala­lagay sa balag ng ala­nganing masibak sa tung­kulin ma­tapos na harangin at kikilan ang drayber ng truck na mag­dadala ng official ballot ng Comelec kahapon ng ma­daling-araw sa inilatag na checkpoint sa bayan ng Polangui, Albay.

Ipinag-utos na ni P/Supt. William Macavinta, provincial police director na ma­susing imbestigahan ang suspek na si SPO2 Aldrin Muñoz ma­tapos maka­abot sa Comelec ang im­por­­mas­yon na kinoto­ngan ang drayber ng truck (RFB 645) na si Jose Cano.

Naganap ang insidente dakong alas-3:45 ng ma­da­ling-araw matapos hara­ngin sa checkpoint ni SPO2 Muñoz ang truck na nagla­la­man ng official ballo­t.

Kaagad na hinanapan ng mga papeles ang dray­ber na naipakita kung saan nagpa­kilala naman ang kasama ni Cano na isang opisyal ng Comelec subalit sinabihan siya ng suspek na walang paki­alam ang Comelec sa checkpoint. 

Sinabi pa ng suspek na kolorum ang truck na ginamit ng Comelec kaya pinag­mu­multa ng P6,000 hanggang sa magkaareg­luhan na umabot sa P100 ang naibigay.

Show comments