4 Sayyaf bulagta

MANILA, Philippines - Apat na armadong kala­lakihan na sinasabing miyem­bro ng Abu Sayyaf Group ang napaslang ha­bang apat namang tauhan ng Army’s Scout Ranger ang nasugatan sa pani­bagong bakbakan sa bulu­bunduking bahagi ng Barangay Pamatsaken, sa bayan ng Sumisip, Basilan kamakalawa.

Sa phone interview, si­nabi ni Marine Commander Lt. Gen. Ben Mohammad Dolor­fino, ginapang ng Task Group Panther ng Army’s 4th Scout Ranger Company sa ilalim ni Lt. Lacson ang posisyon ng mga bandido sa katimu­gang bahagi ng Abong-Abong.

Gayon pa man, sa hindi inaasahang pagkakataon ay sumabog ang patibong ng mga bandido na ikina­sugat ng apat na sundalo kaya sumik­lab ang bak­bakan.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng tropa ang military laban sa mga ban­didong nagsitakas.

Show comments