^

Probinsiya

Burol ni Sanchez dinumog

-

BATANGAS CITY, Philippines – Libu-libong supporter at mga kapartido sa pulitika ang dumagsa sa burol ni ex-Batangas Governor Arman Sanchez matapos itong pu­manaw sa Mary Mediatrix Hospital dahil sa pagputok ng ugat sa utak kamakalawa ng gabi.

Ibunurol sa pag-aaring gym ng farm ang mga labi ni ex-Governor Sanchez sa Barangay Sta. Ana, sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas habang tinatanuran ng dala­wang pulis bilang honor guards.

Namatay si Governor Sanchez bandang alas-7:20 ng gabi noong Martes dahil sa cardio-pulmonary arrest secon­dary to multi-organ failure and intra-cerebral hemorrhage, ayon kay Dr. Isagani Bolompo, family doctor ng mga Sanchez.

Mahigit isa at kalahating araw ding nanatili si Sanchez sa Intensive Care Unit ma­tapos mawalan ng malay-tao habang nangangam­panya sa Ladeco Feedmill sa Lipa City.

Samantala, hindi pa rin makapag-desisyon ang misis ni Sanchez na si Edna kung papalit siya bilang kandidato sa pagka-gobernador.

 “Hindi pa ako makapag-decide kasi iniisip ko rin ang situation, kasi tumatakbo rin akong mayor dito sa Sto. Tomas,” ani Mrs Sanchez,” Napamahal na rin ako sa Sto. Tomas bilang mayor.”

“Mahirap namang pupunta ako ng kapitolyo tapos ma­uupo naman dito sa Sto. Tomas ay kalaban ko, ayaw ko namang mangyari ‘yon. Mas matimbang pa rin sa puso ko ang Sto. Tomas,” dagdag pa ni Edna

Dumalaw din sa burol ni Sanchez si Senator Manny Villar, ang standard bearer ng Nationalista Party sa pagka-presidente at kaalyado ni Governor Sanchez.

Hindi pa naman inihayag ng pamilya ni Sanchez kung kailan ang libing nito.

BARANGAY STA

BATANGAS GOVERNOR ARMAN SANCHEZ

DR. ISAGANI BOLOMPO

EDNA

GOVERNOR SANCHEZ

INTENSIVE CARE UNIT

LADECO FEEDMILL

SANCHEZ

STO

TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with