Ex-Governor Sanchez pumanaw
BATANGAS, Philippines – Pumanaw na kagabi ang dating gobernador ng Batangas na si Armand Sanchez na isinugod kahapon sa Ospital dahil sa brain hemorrhage.
Naunang idineklara ng mga duktor ang 72 oras na critical condition ni Sanchez na muling kumakandidatong gobernador ng lalawigan. Naunang napaulat na nadale si Sanchez ng heat stroke.
Ayon kay Dr. Isagani Bolompo, opisyal na spokesman ng pamilya Sanchez sa medical bulletin, sina Dr. Asis Encarnacion at Dr. Leo Salud na pawang neuro-surgeons ang umopera kay Sanchez na tumagal ng 3-oras.
“Tinanggal ang mga namuong dugo sa utak ni Sanchez matapos ngang pumutok ang ugat nito kaya nawalan ng malay habang nasa kampanya,” pahayag pa ni Dr. Bolompo.
Una ring inihayag ni Bolompo na dahil maselan ang operasyon, umaabot lang sa 5% hanggang 10% ang tsansang makaligtas sa nasabing medical procedures na inayunan din ni Dr. Encarnacion
Bago pumanaw, nana tili sa comatose at dinala sa intensive care unit si Sanchez.
Si Sanchez ay na-stroke na rin may anim na taon na ang nakalipas habang nilalabanan din ang sakit na diabetes at hypertension.
Ma tatandaan noong Lunes, dadalawin sana ni Sanchez ang mga kawani, officers, feedmillers at kanyang mga suporter sa Ladeco Feedmill Inc. sa Brgy. Sabang, Lipa City nang mawalan ito ng malay-tao bandang ala-1:30 ng hapon.
Katunggali ni Sanchez sa lokal na eleksyon ang reelectionist na gobernador ng batangas na si Vilma Santos-Recto.
- Latest
- Trending