CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pagkalunod sa bayan ng Pasacao, Camarines Sur kamakalawa.
Base sa police report, naunang nalunod si Efren Sergio, 19, sa beach resort sa Brgy. Balogo kung saan nasa malubhang kalagayan naman ang kaibigan nitong si Norman Paleno, 19 na kapwa nakatira sa Brgy. Marupit sa bayan ng Camaligan. Samantala, nasawi naman si Marlene Bengua, 5, matapos malunod sa ilog ng Sitio Pookan sa Barangay Macud habang nakaligtas naman sa kamatayan ang kanyang utol na si Mary Joy Bengua, 7.
Sinasabing naglalaro ang mag-utol na Bengua nang mahulog sa ilog kung saan naisalba ang matandang Bengua.