MANILA, Philippines - Isinusulong ng mga residente ng Los Baños, Laguna ang pagbasura sa kandidatura ni Mayoralty candidate Anthony “Ton” Genuino dahil sa pagiging residente nito ng Makati City.
Sa petisyong isinumite nina Cesar Garcia ng Brgy. Batong Malake at Pablo Silva ng Brgy. Timugan, sa Commission on Elections (Comelec), dapat lang ma-disqualify si Genuino base sa kanyang certificate of candidacy sa pagka-konsehal sa Makati City noong May 14, 2007 local elections.
Sa certificate of candidacy ni Genuino para sa pagka-alkalde ng Los Baños, tinukoy nito na ang kanyang tirahan ay ang pag-aari niyang Trace College sa El Danda, Batong Malake, Los Baños, Laguna. Ayon kina Garcia at Silva Jr., lumilitaw na lumabag si Genuino sa ilalim ng Sections 39 of the Local Government Code at Sections 65 at 68 of the Omnibus Election Code.
Sinabi pa nina Garcia at Silva na ang Trace College ay isang business entity at hindi maaaring maging place of domicile ni Genuino kung saan misleading para sa mga residente ng Los Baños.
“Si Genuino ay kasalukuyang residente at registered voter sa Precinct No. 0102A, Bgy. Bangkal sa Makati City.
Sa kasalukuyan ay hindi naman nakuha ang panig ni Genuino kaugnay sa nabanggit na isyu.