Kuya binoga sa ulo ni bunso

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   – Kasaluku­yang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang 52-anyos na lalaki makaraang barilin sa ulo ng kanyang bun­­song utol dahil sa paki­kipagtalo sa mamana­hing lupa kamakalawa sa Sitio Pagdiwitan, Barangay Toy­toy sa bayan ng Garchi­torena, Camarines Sur.

Nasa kritikal na kala­gayan sa Bicol Medical Center si Rolando Ruelo, 52 , ng Barangay Harison habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Armando Ruelo, 50, ng na­banggit na barangay.  

Lumilitaw sa police report, na nagtungo ang bik­tima sa bahay ng kanyang bunsong kapatid para pag-usapan ang naiwang lupain na kanilang minana sa mga magulang.

Subalit naging mapusok ang bunsong kapatid at ayaw nitong paghatian ang lupa hanggang sa hu­man­tong sa matinding pagtatalo.

Dito na kinuha ng sus­pek ang airgun at ipinutok sa ulo ng kanyang kuya kung saan naisugod na­man ng ilang kamag-anak sa nabanggit na ospital.

Show comments