Negosyanteng ama nagbigti

BULACAN, Philippines —Dahil sa pag-aakalang napagkaisahan ng kanyang mga anak, ay nagdesisyong magbigti ng isang 55-anyos na ama sa loob ng bodega malapit sa kanilang bahay sa Brgy. San Sebastian, Hagonoy, Bulacan kahapon. Kinilala ang nag-suicide na si Donaldo Formentos, may-ari ng junk shop at tindahan ng baboy sa palengke. Bago ang insidente ay nagkasagutan ang biktima at mga anak nito kaugnay sa malimit nitong pag-uwi ng lasing at sinasaktan ang kanilang ina.Dahil dito ay hindi na kinakausap ng mga anak ang biktima na nagpasiya namang sa bahay na may bodega na lamang manirahan at hinahatiran na lamang ng pagkain. Ayon kay PO2 Jayson Salvador, narekober naman sa kuwarto ng biktima ang suicide note na nakasulat sa kalendaryo.

Show comments