Campaigner ng mayoral bet sa Cavite

MANILA, Philippines - Samantala, pinagbabaril hanggang sa mapatay ang tumatayong campaign coordinator ng kandidato ng Nacionalista Party sa panibagong karahasang naganap sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi.

Apat na bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Jose Eusebio, 54, political leader ni ex-Bacoor Mayor Jessie Castillo.

Base sa police report, naglalakad ang biktima sa bahagi ng Barangay Niog 1 nang lapitan at ratratin ng ‘di-pa kilalang lalaki.

Napag-alamang na­kipag­talo pa ang biktima sa killer bago umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril. Pulitika ang isa sa motibo ng krimen habang patuloy pa rin ang imbestigasyon.

Si Castillo ay mayoralty bet kung saan kalaban nito si Bacoor Mayor Strike Revilla ng Lakas-Kampi CMD.

Show comments