^

Probinsiya

2 'killer' ng pulis, nadakma

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE, Philippines – Nagwakas ang apat na taong pagtatago ng da­lawang pa­ngunahing sus­pek sa pag­patay sa isang pulis makara­ang masa­kote sa isina­gawang ope­rasyon sa bahagi ng Sitio Laog, Ba­rangay Bu­ta­wa­nan sa bayan ng Siruma, Cama­rines Sur kamaka­lawa ng gabi.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Leo Intia ng Daet Regional Trial Court Branch 38, pina­ngunahan ni P/Senior Insp. Rogielyn Calandria at PO3 Vener Nagera ang pag-aresto sa suspek na si Do­mingo Tatad, 33; sa­man­tala, sumuko naman si Rizaldy Butial 38.

Nabatid na nagpang­gap na mag-asawa at ba­kas­yunista sina Calan­dria at Nagera makaraang ma­ka­tanggap ng impor­masyon na nagtatago ang dalawa sa nabanggit na barangay.

Humanga naman si P/Supt. Domingo Men­daza sa tapang ni Ca­landria na sa kabila ng halos 4-oras na pagtawid sa kabilang isla, pi­ namu­nuan pa nito ang operasyon.

Sa record ng pulisya, si SPO1 Edgar Mabeza 37, ay pinagtulungang pagsa­sak­sakin ng dalawang sus­pek sa likurang bahagi ng munisipyo noong March 14, 2006 ng ma­daling-araw, ilang metro lamang ang layo sa police station.

DAET REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

DOMINGO MEN

EDGAR MABEZA

JUDGE LEO INTIA

RIZALDY BUTIAL

ROGIELYN CALANDRIA

SENIOR INSP

SHY

SITIO LAOG

VENER NAGERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with