Ika-10 wanted arestado
BULACAN, Philippines – Bumagsak na rin sa kamay ng pulisya ang itinuturing na ika-10 most wanted person makaraang masakote sa bisinidad ng Barangay San Francisco sa bayan ng Bulakan, Bulacan kahapon. Personal na pinamunuan ni P/Chief Insp. Julius Caesar Mana ng CIDT-Bulacan ang pagdakip sa suspek na si Alvin Morelos, 29, at sinasabing pamangkin ni Ret.Col. Roberto Morelos na kandidato sa pagka-konsehal sa nabanggit na bayan. Ayon sa police report, si Morelos ay isa sa tatlong kalalakihan na bumaril at nakapatay kay Jose Dandy dela Cruz kaya nagpalabas ng warrant of arrest si Judge Alexander Tamayo ng Malolos City Regional Trial Court Branch15. Pinaghahanap naman ang isa pang suspek na si Ignacio Ponio.
- Latest
- Trending