SAN MARCELINO, Zambales , Philippines — Binigyang-diin ni gubernatorial bet ex-DPWH Secretary Hermogenes Ebdane, na ang sama-samang pagkilos ang magpapaangat at magpapaulad ng pamumuhay ng mga mamamayan sa Zambales.
Isa mga pangunahing plataporma ni Ebdane Partido ng Manggagawa at Magsasaka (PMM) ay ang pagpapalago ng turismo at agrikultura sa pamamagitan ng tamang paggamit ng natural na yaman ng mina at lupa, maging ang pagpapalaganap ng edukasyon na angkop sa kasalukuyang panahon.
“Hinog na ang Zambales para sa pagbabago, ang kailangan natin ngayon ay direksiyon, aksiyon, at sama-samang interaksyon,” pahayag ni Ebdane sa ginanap na pagpu pulong ng mga lider-politika at taga-suporta.
“Nakahanda naman ako upang pangunahan ang pagkilos para sa pagbabago. Papandayin natin ang Zambales ng ating pangarap sa sama-samang pagkilos,” dagdag pa Ebdane.
Sa ilang araw na campaign rally sa mga bayan at barangay ay nakita ni Ebdane ang minimithi ng taumbayan ay tunay na pagbabago, lalo na sa pagpupundar ng mga pasilidad at oportunidad para sa kabuhayan.
“This local boy has come home to serve his fellow Zambaleños and his province,” sabi ni Ebdane. “And this local boy is also ready to be accountable for every decision and every action that will be taken under my watch.