8 nagkakabit ng campaign poster ginulpe

MANILA, Philippines - Walong tagasuporta ng reelectionist gubernatorial bet ang pinagtulungang gulpihin ng mga armadong kalalakihan na sinasabing kalabang kandidato ng una makaraang maaktuhang nagkakabit ng campaign poster sa kahabaan ng highway ng Ba­rangay Carig Norte, Tugue­garao City, Cagayan kamakalawa ng hapon.

Sa police report na nakara­ting sa Camp Crame, lumilitaw na magkakasamang nagka­kabit ng mga campaign poster ang walong suporter ni gubernatorial bet  at reelectionist  Governor Alvaro “Bong” Antonio nang lapitan ang mga armadong tauhan na nagpakilalang mga tauhan ng kalaban ni gubernatorial bet Manuel Mamba.

Tinutukan ng baril ang mga biktima at ipinabaklas ang ikinabit ng mga campaign poster saka pinahilera kung saan isa-isang ginulpe.

Bago tuluyang lumisan ang mga suspek na lulan ng abu­hing Toyota Surf (CSF 431) ay nagbanta pa ang mga suspek na may mangyayaring masama kapag muling nagkakabit ng campaign poster sa lugar.

Pinayuhan ng pulisya ang mga biktima na sumailalim sa medical checkup para kasuhan ang mga suspek.

Show comments