GF tinodas ng ex-bf bago nagbaril

MANILA, Philippines - Pinagbabaril muna ang kaniyang girlfriend bago nag-suicide ang isang lalaki nang tu­ma­nging maki­pag­ba­likan ang huli sa Toledo, Ce­bu kama­kalawa.

Dead-on-the-spot sa insi­dente ang biktimang si Mi­chelle Rallos ma­­­ta­­­­pos ba­­rilin ng limang be­ses ng kaniyang da­ting ka­sintahang si Jo­seph Ca­delina, 27 anyos.

Nang masigurong pa­­­tay na ang kaniyang nobya ay saka naman iti­nutok ng suspek sa kan­­yang sentido ang hawak na baril na kina­labit nito.

Isang malakas na putok ang uma­li­ngaw­ngaw na iki­­na­sawi rin ng nasa­­bing des­­pe­ra­dong lalaki.

Batay sa imbes­ti­­­­gas­yon, sinabi ni Tole­do City Police Chief Supt. Teo­filo Siclot na naganap ang insi­dente sa Brgy. Sangi ng lung­sod na ito da­kong alas-7:45 ng umaga.

Inabangan umano ng sus­pek ang biktima sa lugar kung saan ay pina­­kiusapan itong maki­pagbalikan sa ka­­­­niya at ng tumanggi ang nasa­bing babae ay pinatay ito. 

Patuloy namang ini­im­­­­­­­­bes­­­tigahan ng mga aw­­­toridad ang kasong ito.

Show comments