MANILA, Philippines - Sinampahan na ng kasong murder sa mababang korte ang isang alkalde at dalawa nitong pulis na security escort kaugnay sa pag kakapatay sa tauhan ng kalabang mayoral bet sa Masbate, ayon sa ulat kahapon.
Batay sa report ni P/Senior Supt. Victor Pelota Deona, pinuno ng Special Task Force Masbate. kinasuhan sina Placer, Masbate Mayor Judd “Jay” Lanete, PO1 Gilbert Patingan at si PO1 Cyril Cordova.
Base sa imbestigasyon, si PO1 Patingan, ang nagsilbi bilang triggerman sa pagpatay kay Carlo Cencero na supporter naman ng kalabang kandidato ni Lanete noong Abril 18 sa Brgy. Katipunan sa bayan ng Placer.
“The filing of information for murder was a result of careful and deliberate follow-up investigation by the STF Masbate Special Investigation Group, finds sufficient evidence to charge for murder incumbent Mayor Lanete of Placer and his group of political supporters,” dagdag ni Deona.
Dahil dito, agad na inirekomenda ng Police Regional Office (PRO) 5 ang agarang pag-recall ng lahat ng security escort na nakatalaga kay Lanete.