^

Probinsiya

2 negosyanteng Tsino ibinaon

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines  – Palaisipan sa mga imbestigador ng pu­lisya kaugnay sa pagkaka­paslang sa dalawang ne­gosyanteng Tsino na sina­sabing ibinaon sa pampub­likong sementeryo sa bayan ng Santa Maria, Isabela.

Kinilala kahapon ng pu­lisya ang dalawa na sina Wee Lee Feung at Ke Hui Liung na kapwa area exe­cu­tive ng kompanya ng RTW sa Metro Manila at tubong Fujian, China.

Ang mga labi ng dalawa ay hinukay kamakalawa sa public cemetery ng Brgy. Naga­nacan, Santa Isabela matapos makumpirmang may ibinaong dalawang katawan sa nabanggit na lugar.

May hinala ang pulisya na maaring pinatay sa ibang lugar ang mga bik­tima bago ibinaon sa bayan ng Sta. Maria.

 “Our investigations are still ongoing. We can’t yet establish any definite motives behind these killings. It’s still premature to make any conclusions,” pahayag ni P/Senior Supt. Jimmy Rivera, provincial police director.   

Naunang iniulat na na­wawala ang dalawa noong Abril 12 matapos mabigong makabalik sa Metro Manila kung saan isang kawani ng Novo Jeans sa Santiago City-Isabela ang nakipag-ugnayan sa himpilan ng pulisya kaugnay sa pagka­wala ng dalawa nilang area supervisor.

Pinaghahanap naman ang drayber ng dalawang negosyante na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa natatagpuan.

JIMMY RIVERA

KE HUI LIUNG

METRO MANILA

NOVO JEANS

NUEVA VIZCAYA

SANTA ISABELA

SANTA MARIA

SANTIAGO CITY-ISABELA

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with