Stude utas sa dyipni

BULACAN , Philippines  – Hindi na maipagpapatuloy ng isang 23-anyos na estudyante ang kanyang pag-aaral matapos maka­salubong si kamatayan sa madilim na bahagi ng Barangay Saluysoy sa Meycauayan City, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang nasawi na si Rophelle Rod Cui ng Town and Country Subd., Brgy. Abangan Norte, Marilao. Lumilitaw sa imbestigasyon na lulan ng motorsiklo ang biktima nang masalpok nito ang pampasaherong jeepney (TVD 265) ni Cristito Calingascion, 41, ng Brgy. Sto. Tomas, Sta. Maria, Bulacan. Nabatid na tumawid ang sasakyan ni Calingascion upang magpagasolina kaya nasalpok ng motorsiklo ni Cui kung saan walang anumang ilaw sa poste. Agad naman isinugod sa Nazarenus Hospital ang biktima ngunit idineklarang patay kung saan pormal naman kakasuhan si Calingascion.

Show comments