PANGASINAN , Philippines — Apat-katao ang sinalubong ni kamatayan makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang traysikel ng mga biktima sa kahabaan ng pambansang lansangan sa Barangay Lawis sa bayan ng Labrador, Pangasinan noong Sabado ng hapon.
Kabilang sa mga namatay ay ang mag-asawang Isidro Tandoc Jr., 53, drayber ng traysikel; Gina Tandoc, anak na si Cecille Tandoc at pamangkin na si Merlie Valenzuela na pawang nakatira sa Barangay Magsaysay, Alaminos City. Naisugod pa sa Labrador Community Hospital subalit hindi na umabot ng buhay ang mga biktima.
Tumakas naman ang drayber ng Mhel Bhen Bus (AVB-834) na na si Eugenio Ramos, 44, ng Barangay Seselangen, Sual subalit sumuko rin sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Lingayen.