Supporter ng mga Marcos tinodas

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang supporter ng pamilya Marcos sa Barangay Macayepyep, sa bayan ng Banna, Ilocos Norte kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Andres Peralta ng Brgy. Poblacion, Nueva Era, Ilocos Norte. Si Peralta ay sinasabing nag­silbi bilang coordinator ni dating Congresswoman Imee Marcos sa kanilang lugar.

Batay sa police report, papauwi na ang biktima mula sa sabungan sakay ng owner-type jeep nang pagbabarilin ng mga ‘di-pa nakilalang lalaki sa bulubunduking bahagi ng highway patungo sa bayan ng Nueva Era.

Show comments