3-katao 'sinalvage'
KAMPO ALEJO SANTOS, Malolos City , Philippines — Tatlo-katao na sinasabing biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Bulacan kahapon ng umaga.
Dalawa sa tatlong napaslang ay sina Shielalyn Sapad 22, dalaga, factory worker at Eduardo Caneo 22, binata, machine operator at kapwa nakatira sa Skyline Road, Brgy. Sto. Cristo, San Jose Del Monte City, Bulacan habang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa isa pang biktima na binigti saka itinapon malapit sa basurahan sa Brgy. Santol sa bayan ng Balagtas.
Ang mga bangkay nina Sapad at Caneo ay natagpuan sa madamong bahagi ng Brgy. Sto.Cristo na pawang tadtad ng saksak sa katawan kung saan ang babaeng biktima ay walang saplot sa katawan na pinaniniwalaang ginahasa. Samantala, ayon kay SPO1 Romeo Silva, natagpuan naman ang bangkay ng isang lalaki sa parehong oras din sa basurahan malapit sa provincial road ng Brgy.Santol sa bayan ng Balagtas na may nakataling alambre sa leeg.
- Latest
- Trending