Lover ni misis kinatay ni mister
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines — Hindi na makayanan ng mister ang kanyang nasaksihang nakasiping ang kanyang misis sa ibang lalaki sa loob ng bahay kubo kaya nagawang pagtatatagain hanggang sa magkagutay-gutay ang katawan ng lalaki sa Barangay La Medalla, sa bayan ng Baao, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.
Nagtamo ng malalalim na taga sa katawan si William Bidural 57, biyudo habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Nardito Sinfuego, 54, ng Barangay Salvacion.
Nabatid na naaktuhan ng suspek ang kanyang misis at lover nito na nagtatalik sa loob ng kubo bandang ala-una y medya ng hapon. Dahil sa nasaksihang aktuwal na pornograpiya ng asawa at lover ay biglang nagdilim ang kanyang pag-iisip kung saan walang habas na pinagtataga ang lalaki.
Nakahulagpos naman at nakatakbo palabas ng kubo ang misis kung saan ikinagulat naman ng ilang residente ang pagtakbo ng babae na nakahubad sa kalsada. Bago maganap ang insidente ay hindi inabutan ng mister ang kanyang misis sa kanilang tahanan at may nakapagsabi na naglalaro ng apoy ang kanyang misis kaya mabilis nitong tinungo ang nabanggit na lugar kung saan naaktuhan ang dalawa.
- Latest
- Trending