Magsasaka kinatay

MANILA, Philippines - Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang magsasaka ng kaniyang kapitbahay sa kanyang taniman sa Sitio Patag, Purok 7, sa Calamba City, Laguna ka­makalawa. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Tubias Oseo, 50, biyudo habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Porperio “Popeng” Galman. Batay sa im­bes­tigasyon, tatlong araw bago ang krimen ay nag­kaini­tan ang biktima at suspek kung saan narekober ang bangkay sa nabanggit na lugar. Samantala, bago ang krimen ay namataan ang suspek na may nakasukbit na matalim na itak sa baywang noong gabi bago nadiskubre ang bangkay ng biktima kinabukasan.

Show comments