MANILA, Philippines - Narekober ng militar ang pampasabog na pinaniniwalaang naiwan ng mga bandidong Abu Sayyaf sa operasyon sa Barangay Upper Maligue, Isabela City, Basilan kamakalawa. Bandang alas-4:30 ng hapon nang marekober ng intelligence operatives ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 1 kasama ang mga bomb sniffing K 9 dog ang nasabing bomba. Agad namang nai-detonate ng Explosives and Ordnance team ng security forces ang naturang bomba bago pa man ito makapinsala.Magugunita na matapos ang pag-atake ng mga bandido noong Abril 13 sa Isabela City na ikinasawi ng 14 katao habang 12 pa ang sugatan ay naglunsad ng opensiba ang AFP troop laban sa Basilan raiders.