^

Probinsiya

3 Sayyaf todas sa militar

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tatlong kalalakihan na sinasabing mga bandidong Abu Sayyaf ang napaslang ha­bang dalawa namang sundalo ang nasugatan sa ini­­lunsad na opensiba ng mili­tar kahapon sa Baran­gay Me­sola, Isabela City, Basilan.

Sa phone interview, sinabi ng hepe ng AFP-Western Mindanao Command na si Lt. Gen. Ben Mo­hammad Dolor­fino, bandang alas-5:09 ng ha­pon nang maglunsad ng opensiba ang Marine Battalion Landing Team (MBLT) 1 laban sa grupo ng mga ban­dido.

Ayon sa opisyal, ang na­ka­sagupang grupo ng mga bandido ay sangkot sa madu­gong pag-atake sa Isabela City kung saan nagsagawa ng magkaka­sunod na pambo­bomba at pamamaril na ikina­sawi ng 14-katao na kara­mi­han ay mga sibilyan ha­bang 12 iba pa ang nasugatan.

Ang palitan ng putok ay tumagal ng 15 minuto na iki­namatay ng tatlong ban­dido habang dalawa na­mang sun­dalo ang nasu­gatan sa insidente.

Ang grupo ng mga Abu Sayyaf ay namataang nag­sitakas patungo sa hila­gang silangang direksyon ng na­sabing lugar.

Narekober sa pinangya­rihan ng bakbakan ang isang M16 rifle, M14 rifle at isang Squad automatic weapon.

Nagsasagawa ng beri­pi­kasyon ang militar sa pagka­ka­kilanlan sa napa­tay na ban­dido kung saan ang isa sa napatay na may hawak na squad automatic weapon ay posibleng isa sa mga lider ng Sayyaf.

Nagpapatuloy naman ang opensiba laban sa grupo ng Basilan raider na target lipulin bago ang May 10 polls.

vuukle comment

ABU SAYYAF

AYON

BARAN

BASILAN

BEN MO

ISABELA CITY

MARINE BATTALION LANDING TEAM

SHY

WESTERN MINDANAO COMMAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with