BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines — Sampung minero ang pinaniniwalaang nalibing nang buhay sa minahan na nasa kabundukan ng Kasibu, Nueva Vizcaya.
Ayon kay P/Senior Supt. Pedro Danguilan, provincial police director, ang bangkay ni Balong Amboy ng Quirino Province ay nakuha sa minahan ng Barangay Alimit matapos gumuho ang tunnel kung saan nagmimina ang mga biktima.
Ayon sa ulat, noong April 8 nang pumasok ang mga minero sa tunnel at hindi na nakalabas matapos bumigay ang mga ginamit na poste ng minahan.
“One of these miners possibly hit a post of the tunnel by accident, which caused it to cave in,” pahayag ni Danguilan.
Sa kasalukuyan ay pinaghahanap pa ang mga biktima na nasa loob ng minahan.
Nabatid na ang Barangay Alimit ay katabi ng Barangay Didipio kung saan matatagpuan ang controbersyal na multi-billion peso gold-copper project ng gobyerno.
Samantala, agad naman na ipinag-utos ni Gov. Luisa Cuaresma ang pagdadala ng mga minero ng matataas na kalibre ng baril.