^

Probinsiya

10 minero nalibing nang buhay

- Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines  — Sampung mi­ne­ro ang pinanini­walaang nalibing nang buhay sa minahan na nasa kabun­dukan ng Kasibu, Nueva Vizcaya.

Ayon kay P/Senior Supt. Pedro Danguilan, provincial police director, ang bangkay ni Balong Amboy ng Quirino Province ay na­kuha sa minahan ng Ba­ran­gay Alimit matapos gu­muho ang tunnel kung saan nagmimina ang mga biktima.

Ayon sa ulat, noong April 8 nang pumasok ang mga minero sa tunnel at hindi na nakalabas mata­pos bumigay ang mga gina­mit na poste ng mi­nahan.

“One of these miners possibly hit a post of the tunnel by accident, which caused it to cave in,” pahayag ni Danguilan.

Sa kasalukuyan ay pi­nag­hahanap pa ang mga biktima na nasa loob ng minahan.

Nabatid na ang Baran­gay Alimit ay katabi ng Barangay Didipio kung saan matatag­puan ang controbersyal na multi-billion peso gold-copper project ng gobyerno.

Samantala, agad na­man na ipinag-utos ni Gov. Luisa Cuaresma ang pag­dadala ng mga minero ng matataas na kalibre ng baril.

vuukle comment

ALIMIT

AYON

BALONG AMBOY

BARANGAY DIDIPIO

LUISA CUARESMA

NUEVA VIZCAYA

PEDRO DANGUILAN

QUIRINO PROVINCE

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with