MANILA, Philippines - Isang kandidatong konsehal ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng ‘di-pa kilalang lalaki sa bisinidad ng Lapu-Lapu Extension sa Digos City, Davao del Sur kamakalawa. Tatlong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni McArthur Cortez, 46, independent candidate sa lalawigan ng Sarangani. Batay sa ulat na isinumite sa Camp Crame, lumilitaw na sinundan ng gunman ang pagbisita ng biktima sa nabanggit na lugar bandang alas-7:30 ng umaga at isinagawa ang pamamaslang. Pinaniniwalaang may kinalaman sa pulitika ang motibo ng krimen.