BATANGAS, Philippines – Nauwi sa trahedya ang pagbabakasyon ng dalawang lalaki na nalunod sa beach sa magkahiwalay na insidente sa mga bayan ng Lemery at Nasugbu, Batangas, ayon sa ulat kahapon. Ayon kay P/Senior Supt. Alberto Supapo, Batangas police di rector, naunang nalunod si Stanley ng Mangahan, Pasig City sa beach resort sa Barangay Nonong Castro sa bayan ng Lemery. Noong Sabado ng hapon. Samantala, si Ernesto Cristobal, Jr., 36, ng UP Campus, Diliman, Quezon City ay nalunod naman sa beach resort sa Barangay Calayo sa bayan ng Nasugbu noong Linggo. Kapwa naisugod sa ospital ang dalawa subalit idineklara itong patay.