Ambus: Anak ng mayor dedo

MANILA, Philippines - Nasawi ang anak na babae ng isang alkalde habang tatlong iba pa ang nasugatan makaraang ratratin ng mga armadong kala­lakihan ang pampasaherong van ng mga biktima noong Martes ng gabi sa Barangay Dalaya sa bayan ng Buguey, Cagayan. Kinilala ang napaslang na si Rosefina Abad, 43, anak ni Gonzaga Mayor Rosendo Abad. Ginagamot naman sa Toran Hospital sa bayan ng Aparri, Cagayan sina Jimmy Mamaclay, 38; Janzen de la Cruz, 16; at si Anna Gambala, 17. Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang pulisya upang alamin kung may bahid ng pulitika ang krimen.

Show comments